Dictionary Search: ponso (n.)*Enjoying, or very friendly", "Being well-adapted; felicitous, Cheerful; willing: happy to help. -Malalim na Tagalog, from cute, See pogi.hehe... joke lang(sana =P)-

Freedom. Life. Spirit.






MY Home Page

- ABOUT PONSO -

Nick: Allan, Ponso, Ponching
Hometown: TUNDO(proud!)

"MUSIC IS MY LIFE, MY LIFE IS MUSIC"
--------------------

My PiCTuReS
E-MaiL Me

   

<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31


DUGONG
LETRANISTA


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed

Saturday, July 30, 2005
bakit ganun?

01:25 am

bakit, bakit ganun? talaga bang unfair ang mundo? unfair ang pag-ibig? kung kelan naman ako nahuhulog... haay, nako, ang lungkot ko na ngaun.. hnde ko na alam anung gagawin ko.. ewan, hnde ko talaga alam, manhid nga ba ako o ano? ewan, basta alam ko masaya ako, kami, sa kung anong meron kami ngaun, tama naman di bang hindi madaliin ang mga bagay na ito? haay.. basta alam ko un ang tama, cguro talagang naghahanap cya ng taong magmamahal.. pero, ganun na lang ba kadali aminin un at bawiin ng biglaan??.. cguro nga't tama sila, mabilis magbago ng isip ang mga babae.. pero, pano na ung mga mensaheng un? ung mga mensahe, tula at mga salitang nagpasaya sa aken? hanggang kilig na lang ba un? haay, cguro nga. cguro nga kailangan ko ng gumising sa matamis at mapait na panaginip kong ito. Gcing Ponching, gcing. sabi ko naman sa'yo wag kang umasa, ayan tuloy, eto, pinupunasan ko ang mga mata mong namumula't punung-puno ng luha... anung nang nangyari sa mga swit mode, drama mode atbp? pano na ang mga favorite tambayan sessions namin? lahat na lang ba ng mga ito'y mababasag lang ng parang salaaming tinamaan ng panghihinayang at pighati? Haay ewan.. cguro kailangan ko n lang tanggapin ang mga nangyari. Naguguluhan cya eh, hayaan mo muna cyang mag-isip… wag kang mag-alala cya pa rin naman ung dati eh... kung sino cya nung una mo cyang nakilala.. tama na, cguro nga tama rin cya, kaya eto nadala na ko.. ayoko na, makakalimutan ko din to, bukas ggcing akong c ako, c ponching na nakilala nila nung first day naming.. tama na ang ka-dramahan ko… teka’t mananalangin muna ko. Father God, tulong po.

02:20 am


Posted at 06:28 pm by PoNCHiNG
 

Monday, July 11, 2005
One of the best misadventures I've experienced in my College lyf!(haba nun ha..=)

Ok, to start with... nagsimula ang istoryang ito ("basically po,"-ser!) sa Lasal.. mga 2-3pm ng mapagkasunduan ng mga magkakagrupong "Saudi Arabia" na gawin na ang kanilang proyekto sa HistCiv. ok! simulan na natin ang ating misadventures~!

So ("basically po,"-ser!), nagsmula ng umalis ng grupo..First Stop sa:

  •  Department Store ng Robinson's... upang bumili na ng aming ingredients sa aming lulutuin..=)

  
L)Grrr.... Aus na! tapos na ang aming mga kailangang ingredients!
R)Luk at Paulo, parang nawawalang bata.. ahehehe...

  • Next stop, bumalik na kami sa condo nila Ritchie at habang naghihintay sa ground floor ay narinig namin ang speech ni Tita Cory na anti-Gloria na... After 20 mins, dumating din sa wakas si Ritchie! at kami'y umakayat na upang lutuin na ang  aming nabili...=)

 

  • After naming malaman na hindi namin matatapos ng maayos ang proyekto namin, dali-dali kaming tumawag sa aming mga mahal sa buhay upang magpaalam sa biglaang pag-oovernight.... napagkasunduan naming mag-overnight kina tune' kasama si ian na mahal na mahal ng kanyang amang gusto na siyang pauwiin.. Sayang at hindi rin nakasama c paulo na hirap na hirap na makasakay ng bus...
  • Ayan, at kami'y sumakay na ng sasakyan nila tune'..  we made our way through "Sing-Along"-tune', Angel Linao hanggang Nagtahan, Lacson, BLUMENTRITT! haha..., Welcome Rotonda(may nagrarally pa!) tpos, Banaue up to QC memorial Circle(ito ang libreng tour ni ian sa QC!) hanggang sa kami'y mapadpad sa New Intramuros at Susana Villaga kung saan niyo makikita ang bagong tayong museum ng Quezon City... hehe...

 

  •  Ayan, napasok na din namin ang kanilang haus na punung-puno ng antik.. hehe... after examing the whole first floor kami'y kumain na... pagakatapos ay nagsimula na kaming gumawa ng draft ng aming proyekto, kung saan ang booth ay na-assign sa amin(actually lahat na ata kami gumawa eh..) nweiz, moving on, napagkasunduan na ding walang pwedeng matulog sa gabing iyon... hehe...  after 3-4 hours of stressful but FUN! work with our project, natapos din namin ito... at kami'y pumunta na sa den nila.... mga 5 na kami nakatulog nun, at nakakaasar na din ang pinanood ni ian, POKEMON! san ka pa?, with (Jessie en Jack! haahah).... ngunit bago ako naka2log ng maayos, sangkatutak na kiliti ang inabot ko sa kamay ni anamariantonet at utot ni sablog.. grrr. kaasar. hehehe... 
  • Sa kasamaang palad, nagising kami ng 8am (si-net ang alarm ng 6, san ka pa?) dali-sali kaming nag-unat ng mga buto at nagbreakfast!, pinagising na rin namin ang reyna ng batugan.. jowk lang. heheh... tinapos ang proyekto, binigyan ng final touch ang modelong tower ng saudi at nilagyan pa ng KAABA... buti na lamang at walng bakas ng eyebags sa aming mga mata... Naligo na nga si tunet at kami'y tumungo na sa TONDO... hahaha...(pics to follow =)
  • Sa kabutihang palad ay hindi naman cla na-"culture-shock" sa kanilang napuntahan, dumating na rin kami sa aming bahay na hindi naman nagtagal dahil ako'y naligo lamang at sila'y nag-type lang.(mga 11am na ito...)late na kami! naku!
  • Hayyy..... sa wakas, last stop, sa skul! narating namin ang skul ng mga 11:45am, at dito'y nai-present na namin ang aming ipinagmamalaking proyekto, ASTIG! presentation palang ng food, san ka pa? =) naging maayos naman ang buong program (program kaya un?) hehe... with matching costumes! hehe....(pics to follow =)
  • After the food presentation, napagkasunduan naming gawing remembrance ung ginawa naming project.... astig! umuwi na cla sablog at clang lahat na rin, kami nalang natira nila ivan at tunet, actually nagstay kami para mag-aral ngunit sa lakas ng powers ni Ivan eh.. napagtripan nalang naming pumunta ng rob khit 120 pesos na lang breads namin, challlenge ito! sabay sakay sa FX..(uuyyy.... first tym niya! hahaha... wat an achievement!) heheh.. mga 3:30pm na din kami dumating dun... nangutang na lang kami kay Ivan, hehehe, tnx Ivan! at doon kami ay kumain with my former klasmeyts, dumugo ang ilong sa kanilang mga katanungan, hahahah...(~blush! yak! heheh...peace!) TUMINGIN ng mga damit at nag-exchange gift! astig! mga 6:00pm dumating si kuya julius at c tunet ay umuwi na... cla ivan naman ay nanood pa ng sine...
  • Habang nasa LRT, ang sarap alalahanin ang mga nangyari for the last 2 days.. nakakatuwa, enjoi din pala college! astig! naalala ko rin na 2hours palang pala tulog ko.

 

  • Mga 6:30pm na din ako nakauwi nun sabay bulagta sa kama at natulog. 

Posted at 11:32 pm by PoNCHiNG
 

Tuesday, May 17, 2005
Ang mga Pinoy Muvees! -bow-

Minsa'y ako'y nagtaka kung bakit ang co-co-corny
ng mga pinoy muvees sa atin. cguro ilan ito sa mga dahilan kung bakit ganun na lang ang mga productions sa atin...

SA MGA ACTION MOVIES:

1) walang budget ang mga productions kaya panget ang mga pasabog scenes etc.

2) wala ring kwenta ang mga gumaganap na action stars, anak ng pulitiko:
            -jinggoy, mikee arroyo atbp.
   kung hindi naman anak ng pulitiko, puro matatanda na at matataba pa ang mga ito.

3) ang mga leading lady naman nila ay hindi kaaya-aya ang itsura.

4) kung magpasabog naman ng kotse ay ung tipong pang 10th century
      ang pinasasabog.

5) sa mga karaoke bars, hindi pwedeng walang dumating na kontrabida at
   makikipagsuntukan ang bida at mapapaibig ang leading lady.

6) kung mabaril naman sakali ang bida, kundi sa balikat, sa tuhod o kaya sa
      alak-alakan lang tatamaan at gagawing exag. (malubha kungwari.)

7) ginaya na rin ang RAMBO. kung minsan ay "ONE MAN ARMY LANG" ang bida.
     biruin mo, pumapatay ng sandamukal na mga goons ang bida!

8) minsan, namamatay din ang mga magulang ng bida, un kasi ang ganti ng
    mga kalaban dahil nga hindi makita ung bida....

9) kapag naman nakita na ng bida ang karumal-dumal na scene, sisigaw ito ng
   malakas na "INAY!!!!" o kaya naman ay "ITAY"... at hahaplusin naman ng
   leading lady ang likod ng umiiyak na bida.(sabay overlooking camera scene)

10)  syempre, alam naman nating lahat, sa huli mananaig pa rin ang mabuti,
      (sabay dating ng mga late na PULIS.)

PUMUNTA NAMAN TAYO SA COMEDY!

napansin ko, medyo wala na masyadong lumalabas na comedy films ngaun.

1) cguro, sawang-sawa na ang mga pinoy sa paulit-ulit na jokes ng mga komidyante sa ngaun.

2) buti pa dati, magagaling (joey de leon, idol! atbp.) eh ngaun kung hindi si long, c bayani nakikita
   ko eh...

3) kapag naman naghahabulan ang mga goons at bida, fina-fastforward para mabilis tapos ung
   background music, pang- kenkoy pa!

4) napansin ko rin, kadalasan ang mga chief pa ng pulis ang mastermind
    o kaya'y may kasabwat na pulis.

punta naman tayo sa mga fighting scenes:

1) madaling madistinguish ang goons:
       -bigotilyo
       -palaging naka-leather jacket/amerkana.
       -balbas-sarado
       -kundi si paquito diaz, c romy diaz(RIP) ay c max alvarado(RIP) ang mastermind 

2) mga lugar ng fighting scenes, applicable din ito sa mga action muvees:
       -kundi sa abandonadong building
       - sa kagubatan o kaya
       - sa warehouse na malaki.

3) magagaling din humawak ng baril ang mga comedians; biruin mo unang            hawak pa lang, asintado kaagad!

4) sa suntukan, mag-isa syempre ang bida, tapos maraming kaaway, mapapabagsak nya un,isa-isa kasi lumalapit ang mga ito kung pwede namang sabay-sabay bugbugin ang bida.

5) Sa ending, malamang pumunta sila sa beach, magkainan, at magsayawan with the tune of their theme song sa muvee...


Ayan, nasabi ko na ang ilan sa mga bagay kung bakit hindi ganun kasikat ang mga pelikula sa atin.Sana sa mga producers, direktor at mga staff, pagandahin nyo naman ung mga pelikula nyo. kung meron pa kayong ibang napansin, comment nyo na lang dito, it would be very much appreciated. and then i'll put it na lang ule dito. tnx!
                                                                            -sign-off

Posted at 02:18 pm by PoNCHiNG
 

haaayyyy.... buhay...

hi pipol! after almost 1 and a half month,
ngaun lang ule ako nakapag-blog!
haha...
kakabored naman d2 sa bhay...anyway,
tomorrow's gonna be my
LPEP! haha... i'm
pretty much excited to meet my blockmateS!
abangan nyo
na lang ule ang aking mga
misadventures.. so check this site very often
ha??...
cge d2 na lang muna!
                                          - sign-off.
 

Posted at 01:30 pm by PoNCHiNG
kumento? suhestyon?  

Sunday, April 10, 2005
Ang pagdadalawang-isip ng mang Ponching.

Ang setting: Sa Greenhills Shopping Center.(specifically sa mga tiangge,
                  un lang kaya eh.. hehe)
Ang oras at date: Pagkatapos din agad ng aming Recognition Program.
                           (march 31)
Ang mga tauhan: Si mang Tony as the tindero
                             Ponching as the mamimili
with the special participation of:
                           Alps ang batang gastadora at
                           Paolong parais-ow at marion.

Magsisimula ang atign istory sa mcdo kung saan huling
natapos ang blog sa ibaba.Pagkatapos kumain ay napagkasunduan
ng magkakaibigan na pumunta ng G-hills upang bumili ng
pirated CHUCKS. (as in peke.)

Sa pagsakay ng bus na G-liner, kitang-kita naman ang
excitement ng mga batang minsan lamang sa buhay nilang
makapunta sa G-hills(kilala bilang Divisoria ng mgarich pipol) dahil
sila'y madalas lamang kundi sa tiangge ng TUTUBAN ay sa DM. astig!

Yan, narating namin, since alam ni paolong parais-ow ang
mga tiangge, sya namanang nagsilbing tur gayd namin. Waw,
kabisado! (bakas sa mukha niya ang pagpapasikat)Sosyal dito,
centralized air-con pa!Nagsimula na kaming maghanap ng mga CHUCKS
sa mga tinder(o/a)ng mababa ang presyo sa pagbebenta. Malas,
wala akong makitang CHUCKS na pink! Meron nga sa iba,
maliit naman. Malas talaga.
Hanggang...

Doon na natin makikila si mang Tony ang dakilang tindero ng
CHUCKS, makakita kaming CHUCKS na swak na sa paa, swak
pa sa bulsa.(butas.) Iniwan muna nila ako sandali
upang maghanap pa ng ibang tindahan. 

Mang Tony: Bilin mo na, wala ng ganyan dito, last na 'yan.
Ponching: Weeh, baka inuuto mo lang ako manong!
Mang Tony: Totoo! Eto sukatin mo.
Ponching: Ok lang, tama lang sya,( biglang may naramdaman.
               "Ano kaya ung malambot sa dulo? Bat ung isa
                 meron isa wala?")
Ponching: Eh... Magkano ho ba?
Mang Tony: 500.
Ponching: ha? pwede 450?
Mang Tony: (nagtanong sa mas mataas na opisyal ng tindero dun)
                  Ah..cge ok na...
Ponching: Waw! thank you!(sabay tanggal sa isinukat na sapatos)
               (kukunin na sana hanggang sa...)
Ponching: YAK! may ipis! anak ng patola! Hindi lang pala malambot,
               malagkit pa!
               (sabay tingin sa white socks na may tae-tae pa ng ipis.)

Nasa lapag ang ipis, nangingisay pa. Malas, akala ko pa naman,
eto na ung matinongtindahan, malas. Ako'y nagdalawang-isip
na ring bilhin ang sapatos.

Ngunit dahil na rin sa awa ko kay manong... binili ko na rin, kasi
nilinis na rin naman niya and besyds un na nga lang talaga ang
mayroong pink na CHUCKS.

Umuwi na rin kami pagkatapos bumili ni Alps ang batang gastadora
ng isa pangCHUCKS at shades na utang niya pa rin sa akin
hanggang ngaun. Malas.



Lord, bakit ba may mga ganito sa mundo?

            

Posted at 01:26 am by PoNCHiNG
 

Next Page